Pinangunahan ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay ang comprehensive field inspection at audit ng mga provincial at city police office sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi o BASULTA islands.
Ayon kay Dulay ang inspeksyon sa mga tanggapan ng pulis ay para ma-check ang kanilang operational readiness dahil sila ay nasa remote at isolated areas.
Bilang institutional watchdog ng PNP, sinabi ng IAS na nais nilang matiyak na nasa pinaka-mataas na antas ng disiplina, transparency, at accountability ang mga pulis.
Ito’y upang maipakita ang propesyonalismo ng organisasyon mula sa PNP national headquarters hanggang sa regional at local units.
Dagdag pa ni Dulay, nagkasa sila ng inspeksyon para na rin malaman ang pangangailangan ng mga police unit sa mga malalayong lugar. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of IAS