Isa pang baybaying dagat sa Mindanao, nagpositibo sa red tide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagbawal na sa publiko ang paghango at pagkain ng mga shellfish mula sa Lianga Bay sa Surigao Del Sur.

Ito ay matapos ideklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison ang mga lamang dagat doon.

Ayon sa BFAR, lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa apektadong baybaying dagat ay hindi ligtas sa human consumption maliban sa mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t linisin lamang ng mabuti bago lutuin.

Samantala, nananatili naman ang bagsik ng red tide sa Coastal Water ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Coastal Waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Coastal Waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; at Maqueda Bay sa Samar.

Pinag-iingat ang publiko sa pagkuha at pagkain ng ano mang uri ng lamang dagat sa nabanggit na coastal waters. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us