Isang lane sa M. Eusebio Ave., pansamantalang isasara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista…

Inanunsyo ng lokal na Pamahalaan ng Pasig ang pansamantalang pagsasara ng isang lane sa M. Eusebio Ave., partikular mula Jenny’s Ave. Ext. hanggang Sapang Pahilaga-Eastbound sa Brgy. San Miguel.

Ang pagsasara ay magsisimula sa Setyembre 12 at tatagal hanggang Setyembre 16, 2024.

Ayon sa abiso, ang pagsasara ay magaganap tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kinabukasan upang bigyang-daan ang pagtatanggal ng overhead safety protection.

Kaya naman, pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us