Magsasagawa ng Humanitarian and Disaster Response (HADR) activity ang mga team ng 525th Combat Engineer “Forerunner” Battalion (525CEBn) ng Philippine Army at Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) sa Legaspi, Albay bukas.
Ang sabayang ehersisyo ay isasagawa makaraan ang pananalasa ng bagyong Enteng, kung saan mahigit 80,000 katao ang naapektohan sa 6 na lalawigan sa Bicol Region.
Ang 525CEBn ang pangunahing disaster response unit ng Phil. Army.
Nauna rito, nagsagawa ng demonstrasyon ang 525CEBn ng kanilang kapabilidad gamit ang HADR equipment na donasyon ng Japan, sa harap ng bumisitang delegasyon ng JGSDF sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon.
Ang demonstrasyon ay bahagi ng apat na taong Japan-Philippines HADR Cooperation Project Framework na layong palakasin ang kakayahan ng dalawang bansa na epektibong tumugon sa mga sakuna kabilang ang volcanic eruption, tsunami, lindol, at baha. | ulat ni Leo Sarne
📷 525th Engineer Combat “Forerunner” Battalion