Ipinag-utos na ng Quezon city Regional Trial Court na mailipat ng detention facility si KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at apat nitong mga kapwa akusado.
Sa kautusan ni QC RTC Branch 106 Presiding Judge Noel Parel, pinalilipat sa New Quezon City Jail sa Bagong Silangan, QC sina Pastor Apollo Quiboloy at Cresente Canada.
Sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes ay pinalilipat naman sa Quezon City Jail-Female Dormitory sa Kampo Karingal.
Nakasaad din sa utos ng korte na dapat maiharap sina Quiboloy at ang mga kapwa akusado sa kasong sexual at child abuse sa arraignment ng kaso sa biyernes, Sept. 13 sa ganap na 8:30 ng umaga.
Gaganapin ang arraignment at pre-trial sa pamamagitan ng videoconference hearing.
Sa ngayon ay nananatili sa PNP Detention Facility sa loob ng Kampo Crame sina Quiboloy. | ulat ni Merry Ann Bastasa