Lebel ng tubig sa La Mesa Dam, bahagyang bumaba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City ngayong umaga.

Batay sa inilabas na flood bulletin ng PAGASA, as of 6am ay bumaba na sa 79.92 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam mula sa 80.03 meters bandang alas-6 kagabi.

Nasa 0.23 meters pa ang agwat nito mula sa spilling level ng dam na aabot sa 80.15 meters.

Gayunman, hindi pa rin iniaalis ng PAGASA ang babala nito ng pagbaha sa ilang mga mababang lugar sa QC at Camanava partikular sa mga malapit sa Tullahan River dahil sa patuloy na banta ng pagbaha bunsod ng bagyong Enteng at habagat.

Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang inaasahan pa rin sa Metro Manila ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us