Nagpapakawala pa rin ng tubig ang Magat Dam Reservoir dahil sa mga pag-ulang dala ng Bagyong Julian.
Batay sa datos mula sa PAGASA Hydrometeorology Division, isang gate pa rin ang nakabukas na may isang metrong opening.
As of 8am ay bahagya nang bumaba sa 184.78 meters ang antas ng tubig ng Magat dam kumpara sa 185.76 meters noong kahapon.
Bukod dito, nagpapakawala rin ng tubig sa ngayon ang Ambuklao at Binga dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa