Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng “full-scale clean up”.
Iyan ang marching orders ng PNP chief sa bagong pinuno ng CIDG na si PBGen. Nicolas Torre III na layong maibalik ang integridad at kumpiyansa rito ng publiko.
Kabilang sa atas ni Marbil kay Torre ang pagpapatupad ng malawakang reporma sa hanay ng CIDG gayundin ang mahigpit na screening at pagsasanay sa mga tauhan nito upang masunod ang mataas na ethical standards ng pulisya.
Ibinigay din ng PNP chief ang kaniyang buong tiwala at kumpiyansa kay Torre na pamumunuan nito ang CIDG na may dangal at integridad.
Bahagi rin nito ng pagtutok sa pinalakas na imbestigasyon at mabilis na pagresolba sa mga kasong kanilang hinahawakan sa ngalan ng transparency. | ulat ni Jaymark Dagala