Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Markina 1st District Representative Maan Teodoro na nakatutok ang pamahalaang lungsod sa sitwasyon sa lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Ayon kay Teodoro, naka-deploy na ang mga rescue team para sa mga nangangailangan ng evacuation.

Giit pa niya, na lahat ng kawani ng Marikina Local Government ay nasa heightened alert.

Prayoridad aniya nila na matiyak ang kaligtasan ng mga Mariqueño sa gitna ng pag-ulan at pagbaha.

Pinalalahanan naman ng mambabatas ang mga residente, na maging mapagbantay at manatiling nakatutok sa mga anunsyo na mula lamang sa official sources. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us