Mga dokumento para sa mga kaso nina KOJC leader Apollo Quiboloy at kaniyang mga kapwa akusado, puspusang isinasaayos ng PNP-CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan nang isinasaayos ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga dokumento para sa mga kaso nina KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at apat pa sa kaniyang mga kapwa akusado.

Kasunod pa rin ito ng matagumpay na pagkakaaresto ng mga awtoridad laban sa lima, matapos ang boluntaryong pagsuko ng mga ito.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay para sa napipintong pagpepresenta ng Pulisya sa mga lima sa harap ng Pasig at Quezon City RTC ngayong araw kaugnay sa mga kasong sexual abuse, child abuse, at qualified human trafficking na kinakaharap ng mga ito.

Ani Fajardo, nakausap na rin nina Quiboloy ang kanilang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon sa naging pagbisita nito sa PNP Custodial Facility.

Kung saan personal na rin nitong natanggap ang mga warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa akusadong Pastor at mga kasamahan nito.

Samantala, ngayong araw ay inaasahang magbabalik muli ang mga abogado nina Quiboloy para makapagbigay pa rin ng kaukulang legal assistance sa kanilang kliyente.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us