Madadaanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang maraming kalsada na nalubog sa baha sa Valenzuela City.
Kabilang dito ang footbridge sa Dalandanan sa bahagi ng Mcarthur Highway gayundin ang Maysan-Paso de-Blas-Nlex-Bagbaguin.
Passable na rin sa lahat ng sasakyan ang: Bartolome St. Malanday kahit mayroon na lamang gutter deep na baha; Rincon cor. Pasolo; JP Rizal cor Fortaleza Arty 2 Subd Karuhatan; at Bahay Kanlungan Maysan.
Samantala, hindi pa madaanan ang Bypass Veinte Reales dahil hanggang tuhod pa ang tubig baha. | ulat ni Rey Ferrer