Lusot na sa committee level ng Senado ang panukalang P84.39 billion na pondo ng hudikatura para sa susunod na taon.
Sa naging pagdinig, isa sa mga ibinida ni Supreme Court administrator Raul Villanueva ang paggamit ng mga korte sa bansa ng artificial intelligence (AI).
Ayon kay Villanueva, nagagamit nila ang AI sa mga legal research, pagmomonitor ng mga kaso, transcription at translation ng mga testimonya at pag-draft ng mga desisyon.
Nilinaw naman ni associate justice Mario Lopez na hindi naman ganap na nakadepende sa AI sa mga desisyon ng korte.
Binigyang diin ni lopez na mayroon pa ring mga konsiderasyon na kailangan sa paglalabas ng mga desisyon dahil hindi lang naman sila basta court of law kundi court of equity.
Mas nangingibabaw pa rin aniya ang utak ng tao at humanity sa pagdedesisyon ng mga kaso.| ulat ni Nimfa Asuncion