Mga magulang na nag “alay” ng menor de edad na anak kay Quiboloy, pananagutin ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananagot sa batas ang mga magulang na kusang nag “alay” ng kanilang mga menor de edad na anak para pagsilbihan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na nakakaalarma ang bilang ng mga batang ito na umano’y inabuso ni Quiboloy.

Ayon kay Fajardo, paniniwala ng mga magulang na “passes to heaven” ang pagsisilbi ng kanilang mga anak kay Quiboloy.

Sa ngayon, patuloy aniya na nangangalap ng impormasyon ang PNP at patuloy din ang pagdami ng mga complainant o mga biktima ng umano’y pangmomolestiya ni Quiboloy na lumalapit sa PNP para magsumbong.

Tiniyak naman ni Fajardo, na ligtas na ang mga biktima na pawang mga takot at traumatized, matapos na pagbantaan na hahabulin sila ng “Angels of Death” kapag nagkwento sila ng karanasan sa mga kamay ni Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us