Wala nang balak ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na lumahok sa mga rally ng grupong Maisug na humihingi ng pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Mr. Marlon Acobo, Executive Minister ng KOJC, tututok na lamang sila sa evangilazation o pangangaral ng Salita ng Diyos.
Sa nakalipas kasing mga araw, tila napabayaan nila ang evangelization dahil naging abala sila para ipagtanggol ang KOJC Compound at si Pastor Apollo Quiboloy.
Humihingi din sila ng paumanhin sa mga supporters ng Maisug kung bakit hindi na sila sasama sa mga susunod na rally nito. | ulat ni Mike Rogas