Hanggang alas-5 ng hapon, lumobo pa ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa mga evacuation center sa Quezon City dahil sa bagyong Enteng.
Ayon sa tala ng QC Local Government, umabot na sa 1,046 pamilya o 4,125 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 24 na evacuation centers sa lungsod.
Ang mga evacuee ay mula sa 16 na Barangay na naapektuhan ng mga pagbaha.
Pinakamaraming pamilyang inilikas ay mula sa Barangay Tatalon na aabot sa 329 o katumbas ng 1,324 na indibidwal.
Sumunod ang Barangay Bagong Silangan na may 224 pamilya o 1,041 katao. | ulat ni Rey Ferrer