Ininspeksyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga naval facility sa Oyster Bay, Palawan kahapon.
Bahagi ito ng pagtiyak ng kaayusan ng mga pasilidad-militar na mahalaga sa depensa ng bansa, alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-fast track ang pagpapaunlad sa external defense capability ng bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang mga pasilidad-militar sa Palawan ay mahalaga sa proteksyon ng sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea.
Plano rin ng AFP na gawing forward operating base ng Philippine Air Force ang Balabac, Palawan, na magpapalakas sa air-defense capability ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 PFC Carmelotes/PAOAFP