Mga pulis, pinaalalahanang itaguyod ang katotohanan at huwag magbulagbulagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay na itaguyod lagi ang katotohanan at huwag magbulag-bulagan.

Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa kanilang mga tauhan nang pangunahan nito ang Command Conference sa Kampo Crame kamakailan.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag nang makaladkad ang PNP partikular na ang mga dating pinuno ng Pambansang Pulisya sa isyu ng pamamayagpag ng iligal na POGO sa bansa.

Magugunitang ibinunyag ni retired General at PAGCOR Executive Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado ang pagtanggap umano ng suhol mula sa POGO ng isang dating PNP chief at tumulong sa pagpapatakas kay dismssed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Una rito, hinamon ni Marbil si Villanueva na pangalanan ang anito’y dating PNP chief na sangkot sa naturang usapin dahil lubhang nakasisira ito sa kanilang imahe bilang tagapagpatupad ng batas.

Kasunod nito, inatasan na ni Marbil ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na imbestigahan ang aabot sa 24 na dating PNP chief na posibleng sangkot dito.

Pero nabatid na mula sa 30 nagsilbing PNP chief kabilang si Marbil, 24 na lamang dito ang nabububuhay pa habang ang lima ay pumanaw na. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us