Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga taga- Panay Island, Catanduanes.
Ito’y ayon sa NDRRMC ay kasunod inilunsad na rocket launch ng China sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 kaninang umaga sa bahagi ng Panay Island at Philippine Rise.
Dahil dito, inaatasan ang Philippine Coast Guard (PCG) Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources – National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) na magpatupad ng hakbang upang protektahan ang mga papalaot sa eastern seaboard ng Luzon.
Kasunod nito, inalerto na rin ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bicol Region para bantayan ang pagbagsak ng anumang debris mula sa kalangitan.
Pinag-iingat din ng Philippin Space Agency (PhilSa) ang lahat na huwag lumapit sa mga babagsak na debris mula sa pinakawalang rocket ng China dahil nagtataglay ito ng mga kemikal na nakasasama sa kalusugan. | ulat ni Jaymark Dagala