Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala pang naitatalang mga stranded na pasahero sa kabila ng isinasagawa transport strike ng grupong PISTON at Manibela.
Ito ang ang kinumpirma ng MMDA ngayong ikalawang araw ng transport strike ng nasabing mga grupo.
Gayunpaman, nananatili pa ring nakaalerto ang ahensya kasama ang DOTr at PNP.
Sa Pasig City, nasa 20 miyembro ng Manibela ang nagsagawa ng programa at sumali sa tigil-pasada.
Pero hindi naman nila naparalisa ang biyahe ng Pasig-Quiapo at patuloy na may nasasakyan ang mga pasahero dahil mas marami na ang hindi sumali sa tigil-pasada.
Tiniyak naman ng MMDA na nakahanda silang magbigay ng libreng sakay kung kinakailangan.
Matatandaang nagkasa ng 2-day transport strike ng grupong PISTON at Manibela para tutulan ang PUV modernization program ng pamahalaan. | ulat ni Diane Lear