Aabot na sa 65 ahensya nag nagpahayag na sila ay makikibahagi sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na gaganapin sa Cavite sa darating na September 27 hanggang 28.
Ito ang inaunsyo ni BPSF national secretariat Atty. Shawn Capucion sa isinagawang pulong balitaan ngayong araw.
Ayon kay Atty. Capucion, aabot sa humigit kumulang 100,000 Caviteño ang makakabenepisyo sa dalang programa at serbisyo ng BSPF na aabot sa halos isang bilyong piso ang halaga.
Kabilang dito ang financial assistance, scholarship, livelihood, regulatory at iba pa.
Mamamahagi rin aniya ng libo-libong kilong bigas sa mga benepisyaryo.
Maliban dito, dadalhain din aniya ng BPSF ang BBM Rice sa Cavite kung saan mabibili ang bigas halagang P29 kada kilo.| ulat ni Kathleen Forbes