Pinarangalan ni Phil. Army (PA) Chief Lt. General Roy Galido ang mga natatanging civilian personnel ng Hukbong Katihan.
Ito’y sa pagdiriwang ng “Araw ng Parangal at Pasasalamat” sa ika-124 na anibersaryo ng Civil Service kahapon sa Phil. Army Headquarters sa Fort Bonifacio.
Kasama sa mga tumanggap ng parangal mula kay Lt. Gen. Galido at Civil Service Commission (CSC)-National Capital Region Director IV Victoria Esber, ang 10 PA-CSC Outstanding Civilian Human Resources 2024, 3 Outstanding Skilled Workers, at 16 na Long Service Awardees.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lt. Gen. Galido na sa kabila ng pagkakaiba ng uniporme ng mga sibilyan sa militar, ay hindi naiiba ang kanilang commitment na pagsilbihan ang bayan. | ulat ni Leo Sarne
📷 by SSgt. Cesar Lopez PA/OACPA