Tiniyak ni Sec. Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management na nakahanda ang pamahalaang nasyonal para tulungan ang probinsya ng Sulu.
Ito’y matapos alisin ng Korte Suprema ang nasabing lalawigan sa mga lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao.
Sabi ni Pangandaman, gagawin ng national government ang lahat upang alalayan ang Sulu sa mga serbisyo at proyekto nito.
Sa ngayon, dapat ay status quo muna ang BARMM at Sulu Province hangga’t hindi pa naglalabas ng huling hatol ang Korte Suprema.
Patuloy din makatanggap ng sweldo ang mga kawani ng Sulu Province sa kabila ng naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman. | ulat ni Michael Rogas
Photo courtesy of Province of Sulu Facebook