May nakahanda nang security measures ang National Bureau of Investigation o NBI para sa ligtas na pagbabalik bansa ni Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa nasibak na alkalde ng mga operatiba ng Indonesian Government.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, matagal na nilang pinaghahandaan ang mga gagawing security plan sa pagdating ni Guo ngunit hindi na ito isasapubliko para na rin sa kaligtasan ng alkalde.
Mula naman sa NAIA ay dadaan muna sa Bureau of Immigration si Guo para maiproseso ang lahat ng kanyang mga dokumento bago dalhin sa NBI.
Tiniyak naman ni Santiago na dadaan ng tamang proseso ang lahat bago dalhin si Guo sa Senado.
Kaugnay nito, sinabi ni Santiago na sinadya ni Guo na itago ang kaniyang pagkakakilanlan para hindi mahuli ng mga otoridad dahil kapansin pansin aniya na maikli na ang buhok ng dating alkalde. | ulat ni Merry Ann Bastasa