NHA, namahagi ng tulong-pinansyal sa 267 pamilya sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) nito.

Ayon sa NHA, nasa ₱1.195-milyong tulong ang naipaabot nito sa 209 na benepisyaryo mula sa Tanauan City, Batangas, na lubhang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng.

Samantala, nasa kabuuang ₱1.160-milyon naman ang naibigay sa 58 pamilyang nasunugan sa lungsod.

“The NHA is one with the President Bongbong Marcos Jr. in aiding the housing needs of our Filipino families through our other programs and services,” saad ni NHA General Manager Joeben Tai.

Bilang kinatawan ni NHA GM Tai, pinangunahan ni Region IV Manager Roderick Ibañez ang pamimigay ng tulong-pinansyal sa mga benepisyaryong pamilya, kung saan saksi si Tanauan City Mayor Nelson Collantes sa kaganapan.

Sa ilalim ng EHAP, ang ahensya ay nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol, at pagbaha. Layunin ng programa na tulungan ang mga benepisyaryo na magsimulang muli sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng kanilang mga tahanan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us