Bilang bahagi ng Kanlaon response operation ay inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga food at non-food items nitong ilalaan sa mga posibleng maapektuhan ng aktibidad ng bulkan.
Kabilang dito ang nasa P144-M halaga ng assistance na nakapreposisyon na sa Western Visayas at P3-M standby funds.
“We are prepared to immediately respond to the needs of the affected families due to the recently observed unrest of Mt. Kanlaon,” Atty. Carmelo N. Nochete, regional director.
Sa ngayon, nakapreposisyon ang karamihan ng assistance sa La Castellana, Negros Occidental kung saan maraming pamilya ang naapektuhan nang unang magalburoto ang Bulkan noong hunyo.
Tuloy tuloy rin ang pakikipagugnayan ng DSWD sa Emergency Operations Center ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng sitwasyon ng bulkan.
Una nang iniulat ng DSWD ang nasa 248 na indibidwal na inilikas na bilang preemptive measure sa banta ng pagalburoto ng Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa