Nasa humigit kumulang limang kilo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang higit P5.7-M ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro.
Pinangunahan ang operasyon ng Regional Special Enforcement Team ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation-MIMAROPA.
Sa ulat ng PDEA, isinilid ang inihinalang ilegal na droga sa pakete ng Chinese tea bag.
Arestado naman sa operasyon ang 2 magasawa na kinabibangan ng isang negosyante at OFW na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Merry Ann Bastasa