Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa puna ng mga netizens tungkol sa mga blurred mugshot ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kapwa akusado.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ito’y bilang pag-tugon sa kautusan ng Commission on Human Rights (CHR) na hangga’t maari ay takpan ang mukha ng mga akusado para pangalagaan ang kanilang dignidad.
Giit ni Fajardo, ganito rin ang kanilang ginagawa sa mga nahuhuling suspek sa mga nakalipas na operasyon.
Samantala, tiniyak naman ni Fajardo na sina Quibuloy at mga kapwa akusado nito ang mga taong naka-takip ang mukha na iniharap sa presscon ng PNP at DILG kahapon.
Hiniling umano ng mga akusado na takpan ang kanilang mga mukha na kanila namang pinagbigyan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO