Isinasaayos na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapa-uwi kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo makaraang kumpirmahin nito ang pagkakaaresto kay Guo alas-11:30 kagabi sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Fajardo, ang pagkakaaresto kay Guo ay bunga ng pinaigting na ugnayan ng PNP at Indonesian Police alinsunod na rin sa kautusan nila DILG Sec. Benhur Abalos Jr at PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, isinapubliko ng PNP ang mga larawan ng pagkakaaresto kay Guo na ngayon ay nasa kostudiya ng Tangerang City Police sa Jakarta. | ulat ni Jaymark Dagala