Binalaan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang PAGCOR official na si Raul Villanueva na mahaharap siya sa kaso kung hindi niya mapatunayan ang kanyang alegasyon laban sa isang dating PNP Chief.
Hamon ng PNP Chief kay Villanueva, na dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief, na pangalanan ang sinasabi niyang dating hepe ng Pambansang Pulisya na tumatanggap umano ng payola mula sa mga POGO.
Ito’y matapos banggitin ni Villanueva sa pagdinig ng Senado na isa umanong ex-PNP Chief ang tumulong sa pagtakas ni ex-Bamban Mayor Alice Guo.
Ayon kay General Marbil,“sweeping statement” ang pahayag ni Villanueva, na nag-dawit sa buong organisasyon ng PNP sa isyu ng POGO.
Gayunman, Inatasan ni Gen. Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na imbestigahan ang alegasyon ni Villanueva. | ulat ni Leo Sarne