Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdiriwang ng National Reservist Week (NRW) 2024 sa pamamagitan ng sabayang Fun Run sa iba’t ibang kampo militar sa buong bansa.
Pinangunahan ni Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs Major General Joel Alejandro S Nacnac ang aktibidad sa Lapulapu Grandstand sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Sabado.
Ang fun run ay nilahukan ng AFP members, Reservists, Civilian Human Resources at running enthusiasts para itanghal ang kahalagahan ng pisikal na kalusugan at teamwork.
Ang pagdiriwang ng NRW sa taong ito na may temang “Tatag ng Laang Kawal para sa Bagong Pilipinas,” ay bilang pagpapahalaga sa dedikasyon, pagmamahal sa bayan, at kontribusyon ng AFP Reservists.
Sinabi ni Mgen. NacNac na ang bawat reservist ay community leader na nagsisilbing inspirasyon para mag-ambag para sa kapakanan ng bayan. | ulat ni Leo Sarne
📷 SSg Amagan PA/PAOAFP