Paglutang ng karagdagang ebidensya laban kay Quiboloy, nagsimula na — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang bineberipika ng Philippine National Police (PNP) ang mga nakalap na karagdagang impormasyon tungkol sa umano’y sistematikong pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga batang babae na nasa ilalim ng kanyang impluwensya.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasabay ng pagsabi na ito palang ang simula para masiguro ang solidong kaso laban kay Quiboloy, tungo sa pagkamit ng hustiya.

Ayon sa PNP Chief, ilang biktima ang matapang na humarap para ibunyag ang sexual na pang-aabusong naranasan ng ilan sa mga batang babae na tinaguriang “pastorals” sa kamay ni Quiboloy.

Sinabi ng PNP Chief na ang testimonya ng mga biktima ay mahalaga upang matuklasan ang buong lawak ng mga krimeng nagawa umano ni Quiboloy.

Hinikayat naman ni Gen. Marbil ang iba pang mga biktima na lumantad, kasabay ng pagtiyak ng proteksyon at tulong mula sa mga awtoridad.

Nanindigan si Gen. Marbil na determinado ang PNP na panagutin si Quiboloy sa kanyang mga aksyon upang patunayan na walang makakalusot sa hustisya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us