Pinagusapan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at U.S. Defense Secretary Lloyd Austin III ang pagpapalakas ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono noong Setyembre 4, na ika-8 pagkakataon na nag-usap sa telepono ang dalawang opisyal para talakayin ang mga kaganapang panseguridad sa rehiyon.
Dito’y pinag-usapan ang mga ongoing project at aktibidad na layong mapalakas ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Walang inilabas na detalye ang DND kaugnay ng mga spesipikong proyektong isasagawa dahil sa usaping panseguridad.
Nagpasalamat naman si Teodoro sa patuloy na commitment ng Estados Unidos na palakasin ang kapabilidad pandepensa ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne