Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Agripuhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija.
Sinabi ng Pangulo na ang bawat benipersaryong mga magsasaka ay makakatanggap ng tinatawag na Interventions Monitoring Card sa ilalim ng nasabing programa na kung saan ay dito na nila kukunin ang pambili ng binhi, pataba o fertilizer, pesticides at iba pang pangangailangan.
Kasama din sa ibinahagi ng Pangulo na tulong ng pamahalaan sa mga magsaska ay ang gagawing pagbili ng National Food Authority ng 500 o 100 sako ng palay mula sa mga magsasaka.
Bibilhin ito ayon sa Pangulo ng hindi bababa sa P21 kada kilo.
Kaya ang kikitain ng mga magsasaka sa isang ektaryang lupain ayon sa Pangulo ay aabot sa P105,000 na agad na papasok sa kanilang IMC o Interventions Monitoring Card. | ulat ni Alvin Baltazar