Sampung minuto lang ang itinagal bago naaprubahan sa Senate Committee on Finance ang panukalang ₱872.659 million na panukalang 2025 budget ng Presidential Management Staff (PMS).
Mas mataas ang pondong ito 4.59% kumpara sa pondo nila ngayong taon.
Wala nang naging tanong ang mga senador sa panukalang budget ng PMS bagkus ay suporta at papuri ang natanggap ng opisina.
Binigyang diin ni Senador JV Ejercito na mahalaga ang papel ng PMS sa tagumpay ng isang administrasyon.
Ipinunto naman ni Senadora Grace Poe ang bigat ng trabaho ng PMS kabilang na ang pangangasiwa ng mga schedule at speech ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang pangangasiwa sa mga sulat na ipinapadala sa Malakanyang. | ulat ni Nimfa Asuncion