Party-list group, kinilala ang ilang may malaking kontribusyon para sa ikauunlad ng buhay ng mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala ng OFW Partylist groups ang ilang mga indibidwal government institutions, private organization at mga OFWs na nagsusulong ng mga adbokasiya para sa ikauunlad ng buhay ng mga mamayang Pilipino.

Sa ginanap na 3rd Impact Awards Night na pinangungunahan ni Rep. Marissa Del Mar Magsino, binigyang parangal ang mga piling entity dahil sa kanilang kontrbusyon sa sambayanan.

Nasa 48 na mga awards ang iginawad ng party-list groups sa iba’t ibang kategorya.

Kabilang si House Speaker Martin Romualdez sa binigyan ng parangal bilang Special Award for Exemplary Leadership  habang si Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez bilang Special Award as Women of Influence.

Ayon kay Magsino ang mga OFW ay backbone ng ating ekonomiya  at walang sawang nakasuporta sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, taglay ng ating mga Pinoy workers abroad ang dedekiasyon at resilience ng Filipino spirit.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us