Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang distribusyon ng Certificate of Condonation sa lalawigan ng Tarlac.
Nasa 3,519 Agrarian Reform Beneficiaries ang nabibiyayaan sa nabanggit na pamamahagi ng Certificate of Condonation na umabot sa 4,663 at aabot sa halagang P124.6-M.
Covered ng nasabing biyaya para sa mga beneficiary ang lupaing may lawak na 4,132 hectares.
Ayon sa Pangulo, isang karangalan sa isang Presidente na buuin ang pangarap ng milyon-milyong mga Pilipino na magkaroon ng sariling lupa at mabura ang kanilang pagkakautang.
Kaya kahit masama ang panahon, inihayag ng Pangulo na sinikap nilang maiabot ang Certificate of Condonation sa mga magsasaka. | ulat ni Alvin Baltazar