PH Red Cross, nakaalerto na rin sa gitna ng banta ng bagyong Julian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) sa ano mang posibleng pinsala na dulot ng bagyong Julian, lalo na sa Northern Luzon.

Ayon sa PRC, inalerto na ang lahat ng response at relief team sa naturang rehiyon.

Kabilang sa mga ginawang paghahanda ay ang pagpapalakas ng mga bahay sa Batanes, pag-iimbentaryo ng mga blood supply at first aid kit sa Cagayan at Ilocos Norte.

Nakahanda na rin ang mga water, search, and rescue team at emergency medical service unit para sa posibleng pagbaha.

Sa ulat ng PRC Operations Center, mayroon nang naitalang pagbaha sa ilang lugar sa Ilocos Norte at Batanes.

Samantala, binuksan na rin ang mga evacuation center sa Ilocos Norte, Cagayan, at Batanes para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo. Tiniyak naman ni PRC Chairperson Richard Gordon na patuloy na magbabantay at tutulong ang PRC sa mga maaapektuhan ng bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us