Pilipinas, isusulong na maitatag ang FinTech sa bansa ka-partner ang Indian Government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang dialogue at partnership nito sa Indian Government para sa Financial Technology (FinTech) tungo sa financial inclusion ng bansa.

Pinangunahan ng Department of Finance (DOF) ang inaugural meeting ng joint working group (JWG) on FinTech sa New Delhi, India.

Tinalakay ng JWG ang mga inisyatiba, best practices, at safeguards upang palakasin ang regulatory frameworks at digital infrastructure upang buksan ang mga oportunidad sa  larangan ng digital payments, blockchain technology, FinTech solutions na siyang magpapalakas ng mga negosyo.

Inihayag din ng Philippine delegation ang kahandaan na maka-partner ng India upang itatag ang “robust and inclusive” FinTech ecosystem, na pakikinabangan ng mga Pilipino at ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us