PNP, bumuo ng ‘review panel’ para siyasatin ang mga alegasyon ni PLt.Col. Jovie Espenido sa kampanya vs iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGeneral Rommel Francisco Marbil ang pagbuo ng isang “review panel” na siyang mag-iimbestiga sa mga paratang ni Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Ito’y makaraang ibunyag ni Espenido ang umano’y “quota” at “reward” system sa hanay ng Pambansang Pulisya na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga na Oplan Double Barrel ng nakalipas na administrasyon.

Sa inilabas na pahayag, binigyang-diin ng PNP Chief kung gaano kaseryoso gayundin ang bigat ng mga paratang ni Espenido na nagdulot ng pangamba sa publiko.

Ang naturang lupon ay pangungunahan ng Office of the Deputy Chief PNP for Operations (ODCO) at kabibilangan naman ng mga kinatawan mula sa PNP Quad Staff, Internal Affairs Service (IAS), at Human Rights Office (HRAO).

Kasunod nito, tiniyak ni Marbil na masusing iimbestigahan ng naturang lupon ang mga alegasyon ni Espenido at muling nanindigan ang PNP Chief na kanilang itutuloy ang kampanya kontra droga nang may paggalang sa karapatang-pantao. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us