Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng pulis na tumulong sa mga biktima ng bagyong Enteng sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagresponde.
Ayon sa PNP chief, ang presensya ng mga pulis, partikular sa mga lubhang apektadong lugar ay nagbibigay ng suporta at seguridad sa mga mamamayan.
Matatandaang bago pa man manalasa ang bagyo, maagang nag-deploy ang PNP ng mga pulis sa mga kritikal na lugar, kabilang ang evacuation centers para tumulong sa paglikas ng mga apektadong indibidwal at sumuporta sa search, rescue, at recovery ng mga biktima.
Sinabi ni Gen. Marbil na mananatili ang deployment ng mga pulis kahit nakalipas na ang bagyo para naman tumulong sa relief at recovery efforts. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNP-PIO