PNP, mangangalap ng mga karagdagang kaso laban kay Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil si Police Regional Office 11 Regional Director Police Brigadier General Nicolas Torre III na mangalap ng mga karagdagang kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Gen. Marbil, na ngayong natapos na ang paghahanap kay Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City, ang susunod na hakbang ay ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Binilinan ni Gen. Marbil si BGen. Torre, na alamin kung meron pang ibang biktima ng pang-aabuso sa loob ng KOJC compound na gustong magsumbong sa mga pulis.

Matatandaang ilang human trafficking victims ang naligtas ng PNP sa loob ng KOJC compound sa kanilang pagpapatupad ng arrest order kay Quiboloy.

Si Quiboloy na nasa kustodiya na ng PNP ay nahaharap sa kasong human trafficking at sexual at Child abuse. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us