Inatasan na ni Philippine National Police Chief General
Rommel Francisco Marbil ang lahat ng local police units na paigtingin na ang kanilang paghahanda para sa darating na halalan sa bansa.
Kasabay nito ang babala ni General Marbil sa lahat ng police officials laban sa pagpapagamit sa kanilang sarili sa mga politiko.
May responsibilidad aniya ang mga pulis na itaguyod ang batas at kaayusan nang walang anumang pagkiling o political partisan.
Paalala pa ni Gen. Marbil sa mga police official na ang kanilang pag-uugali ay sumasalamin sa dedikasyon ng PNP sa pagkamit ng tiwala ng publiko.
Umapela din sa publiko ang opisyal para makipagtulungan sa PNP sa panahon ng halalan at iulat ang anumang mga iregularidad na kinasasangkutan ng law enforcement personnel.
Nakatakda na ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato para sa 2025 elections sa unang linggo ng Oktubre.| ulat ni Rey Ferrer