Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng magmatic eruption mula sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa Phivolcs, nagtala ang Mt. Kanlaon ng mahigit 9,000 tonnes ng sulphur emission na halos triple sa normal nitong emission noong Martes.
Ito ang pinakamataas na naitalang sulphur emmision ng Mt. Kanlaon simula pa noong 2009.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, noong taong 1902 pa ang huling magmatic eruption ng Mt. Kanlaon dahil phreatic o steam driven lamang ang mga dati nitong pagsabog.
Hindi pa naman anila masasabi kung kailan maaring sumabog ang Mt. Kanlaon.
Pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na malapit sa bulkan na maging handa at bantayan ang mga aktibidad nito.| ulat ni Diane Lear| via RP3 Alert