Bilang bahagi ng pagtupad sa adhikain ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas, ginagawa ng Philippine Reclamation Authority ang lahat upang matiyak na hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng nangyayaring reklamasyon sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay PRA Chairperson Alex Lopez, maraming pamamaraan na ginagawa ang kanilang ahensya para matiyak ang kabuhayan ng mangingisdang Pilipino.
Aniya, una rito ang hindi pagbabawal sa mga ito na mangisda sa oras na makumpleto na ang reclamation project sa Pasay.
Sinagot din ni Lopez ang kritisismo sa reklamasyon ng pamahalaan sa Pasay kung saan sinasabing nawalan ng pangisdaan ang mga mangingisda sa lugar, giit ng opsiyal na patay na tubig na ang karamihan ng ni-reclaim na tubig sa Manila Bay.
Mas marami at mas malinis aniya ang tubig at mas maraming mahuhuli ang mangingisda sa oras na mailayo ang mga ito sa patay na tubig na mayroon ngayon sa Manila Bay.
Liban dito ay maglalabas din ng mga livelihood program ang pamahalaan kung saan prayoridad hindi lang ang mga mangingisda kundi maging ang pamilya ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco