Photo courtesy of PPA Pool
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggagawad ng ‘insurgency-free’ status sa Misamis Occidental, ngayong araw, September 27, 2024.
“We are gathered here today to celebrate a historic occasion, one that also took time in the making, the declaration of Misamis Occidental as an insurgency-free province. As I mentioned in my last State of the Nation Address, we have come a long way in our quest for lasting peace,” — Pangulong Marcos Jr.
Sa makasaysayang kaganapan, sinabi ng Pangulo na ang kapayapaan ay hindi naabot at hindi maaabot sa pamamagitan ng iisang tao lamang.
Resulta aniya ito ng mahabang panahon ng dedikasyon, kooperasyon, at pagkakaisa sa pagsusulong ng iisang layunin.
“After years of consistent and resolute security, peace, and community-building, we have succeeded in our campaign to end the decades of conflict in the sixty barangays in your province that were once in the clutches of insurgent movements,” —Pangulong Marcos Jr.
Pinasalamatan ng Pangulo ang DILG, AFP, kooperasyon ng mga komunidad, at ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng national at local government upang maisakatuparan ang pangarap na kapayapaan sa lugar.
“The experience of Misamis Occidental speaks volumes about the importance of addressing the root causes of insurgency. Peace will neither be attainable nor sustainable without accompanying development. These things work hand-in-hand,” — Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, kalakip ng kapayapaan ang kaunlaran at pagyabong ng kabuhayan ng mga mamamayan.
As of September 2024, nasa 46 na proyekto na para sa lugar ang nakumpleto habang 17 ang nagpapatuloy pa.
Nasa 44 dito ay mga farm-to-market roads.
Siyam ang nakatutok sa pagpapabuti ng water supply system at ang ibang proyekto, nakatutok sa health stations, rural electrification, at rehabilitasyon ng mga paaralan.
“This demonstrates that peace brings more opportunities for growth, investments, and social services for future generations,” — Pangulong Marcos Jr.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng mga programang ito, maipagpapatuloy ang katatagan, kapayapaan, at progreso na tinatamasa na ng bawat tahanan sa Misamis Occidental.
“With us perpetuating the peace efforts that we made here, I know that soon we will be able to declare the entire country, the entire republic, as insurgency-free,” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan