Pulis at driver nito na sangkot sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon ng Batangas, arestado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ngayon ng Balayan Municipal Police Station sa lalawigan ng Batangas ang pulis at driver nito na itinuturong nasa likod ng misteryosong pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon.

Ito’y makaraang maglunsad ng operasyon ang Pulisya laban kina dating Police Major Allan de Castro gayundin sa driver nito na si Jeffrey Magpantay sa Brgy. Caloocan sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ng Balayan PNP, naaresto sina De Castro at Magpantay sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Batangas Regional Trial Court Branch 3 dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kay Camilon.

Magugunitang positibong itinuro ng pamilya Camilon si De Castro na siyang nobyo umano ni Catherine at ito rin ang huling tao na nakasama nito sa bayan ng Lemery noong October 12 ng nakalipas na taon.

Una na ring sinibak sa serbisyo si De Castro nitong Enero ng taong kasalukuyan dahil sa usapin ng moralidad nang makipagrelasyon ito kay Camilon sa kabila ng pagkakaroon na nito ng asawa.

Nabatid na ang kaso laban kina De Castro at Magpantay ay ganap na nai-akyat sa hukuman matapos makapagsumite ng mga ebidensya ang Pulisya makaraang ibasura ito ng Regional Prosecutors Office ng Batangas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us