Posibleng paharapin rin ng Quad Committee ng Kamara sa kanilang mga pag-dinig si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chair ng komite, oras na matapos nang humarap si Guo sa imbestigasyon ng Senado ay maaaring ipatawig din aniya siya sa Kamara.
Nais kasi aniya nila malaman kung paano siya nakakuha ng Filipino citizenship para siya ay magka-negosyo at makatakbo pa sa posisyon.
“Yes kailangan namin ng information galing sa kanya…Gusto naming malaman sa kanya, papano siya naging Pilipino, sino ang tumulong sa kanya, sinong nasa likod ng kanyang pagiging Pilipino, pagiging negosyante rito. Alam natin na siya ay hindi Pilipino. Paano siya nagkaroon ng negosyo? Alam natin na hindi siya Pilipino. Paano siya nakatakbo sa pwesto?” Giit ni Barbers
Sabi pa ni Barbers kailangan nang mahinto at mapanagot ang mga nasa likod ng kalakarang ito.
Para naman kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm, igagalang nila kung hindi magsalita si Guo lalo na at may mga kaso nang isinampa laban sa kaniya.
Kung hindi man aniya magbigay ng impormasyon s Guo ay ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon sa pamamagitan ng iba pang mga ebidensya.
“If she’s not going to reveal whose behind all these operations then nothing [will]change in the game. We will continue to pursue all other evidences but if she’s going to remain silent ‘coz cases had been filed against her it is within her rights.” Ani Fernandez
Ngunit naniniwala si Fernandez na bilang mayor, may nalalaman siya sa operasyon ng pogo sa kaniyang nasasakupan at hindi malayo na isa siya sa mga major player sa operasyon nito.
“But i think being a mayor and a major player in the operation of Bamban pogo it is highly improbable that she doesn’t know what was happening in her area of jurisdiction so much more that she owns Baofu Land Development Corp. and Zun Yuan inc. She’s a major player in the operation of bamban.” Giit ni Fernandez. | ulat ni Kathleen Forbes