Quiboloy, sumuko dahil nasukol – DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napilitan lang na sumuko si Pastor Apollo Quiboloy dahil nasukol na siya ng mga pulis.

Ito ang binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. nang iprisinta sa mga mamamahayag sa Camp Crame si Quiboloy at mga kapwa-akusado, sa kasong qualified human trafficking at child and sexual abuse.

Binigyang diin ni Abalos, na tama ang intelihensya ng PNP na nasa loob lang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound si Quiboloy sa loob ng mahigit dalawang linggong paghahanap sa kanya ng mga pulis.

Tama din aniya ang ginawa ng PNP na itinuloy ang operasyon sa kabila ng kaliwat-kanang demanda at pagpapahirap sa kanila ng mga miymebro ng KOJC.

Nagpasalamat naman si Abalos sa lahat ng pulis na bahagi ng operasyon sa KOJC compound sa pamumuno ni Police Regional Office 11 Regional Director Police BGen.  Nicolas Torre III, na hindi nagpatinag sa kabila ng matinding pinagdaanan para maisilbi ang warrant kay Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us