Inatasan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang Reserve Command, Philippine Army (RCPA) na i-organisa ang kanilang reserve units para epektibong magampanan ang kanilang mandato na ipagtanggol ang bansa sa panahon ng giyera, rebelyon o anumang “national emergency”.
Ito ang inihayag ni Lt. Gen. Galido sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-41 Anibersaryo ng RCPA sa Camp Riego de Dios, Tanza, Cavite kahapon.
Kaugnay nito, binilinan ni Lt. Gen. Galido si RCPA chief Maj. Gen. Romulo A. Manuel Jr. na magrecruit ng karagdagang reservist mula sa transport sector para makatulong sa mobility ng Philippine Army.
Paliwanag ni Galido, bilang isang “land force” ang hamon sa Phil. Army ay ang pagdadala ng kanilang pwersa sa iba’t ibang lugar, kaya mahalagang maging “partner” ang transport sector.
Inenganyo naman ni Lt. Gen. Galido ang Army Reservists na ipagpatuloy ang kanilang mahalagang papel sa “nation building activities.” | ulat ni Leo Sarne