Nakatakas ang tatlong preso mula sa Fishport Custodial Facility sa Samagta Floodway Brgy. San Juan Taytay Rizal, kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Taytay Municipal Police station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang 3 pugante na sina: Danny Boy Cancuno at Ronald Barrera na kapwa nakakulong dahil sa ilegal na droga, at si Kurt Cavasal na nahaharap sa paglabag sa Firearms and Ammunition Law.
Base sa paunang imbestigasyon, sinamantala ng 3 ang matinding buhos ng ulan para distronkahin ang metal frame sa kusina ng kanilang piitan.
Ayon sa Taytay Police, natuklasan nalang ang pagtakas ng 3 kaninang 4:45 ng umaga.
Naglabas naman ng tig-10 libong pisong pabuya ang istasyon para sa agarang ikadarakip ng mga nakatakas. | ulat ni Leo Sarne